0

Dugtungan

Maaari mo bang dugtungan ang mga panaginip
na binuo natin sa nabibilang na mga sandali,
buuin ang mga kwentong sinimulan ng mga labing
iisang tema lamang ang namumutawi?

Maaari mo bang dugtungan ang mga salitang isinulat
ng mga puso nating hinahanap ang isa’t isa,
pagtagpi tagpiin ang mga papel ng ating buhay
ikonekta sila para magkaroon ng linaw ang lahat?

Maaari mo bang dugtungan ang mga notang nagmumula
sa tumitibok na pusong ikaw lamang ang laman,
gumawa ng kantang tayo lamang ang makakaintindi
at aawitin kapag malayo sa isa’t isa?

Maaari mo bang dugtungan at pahabain ang panahon
habang namamalagi ka sa aking piling,
di na mawala pa sa aking paningin
‘pagkat ikaw lang ang parati kong hahanap hanapin?

-eamarifosque 102913-

Advertisements
2

matagal ng nalusaw ang mga pangarap na binuo mula sa alapaap,
at ang pagbuhos ng ulan ang tanging senyales ng sakit na dumudurog
sa pagkataong inalay sa iniibig ng walang pagaalinlangan.
pagkataong hinubog ng panahong balot ng ligaya’t pighati,
na mas piniling isantabi ng taong tanging laman nitong puso.
ngunit sa kabila ng sakit na syang pumupunit
sa kaluluwang iisang pangalan lamang ang iniisip,
ay humahawak pa rin sa ideya na mayroon pa ring pag-asang makakamit.
na ang pag-ibig na pinakaiingatan ay muling magbabalik
at hihilumin ang mga sugat na pinanggagalingan ng mga pumapatak na dugo
na unti unting kumikitil sa kanyang natitirang buhay.

-The Elusive Scribe 102213-

when translated into English:

the dreams built from the skies have long dissolved
and the pouring rain is the only sign of the hurt that breaks
the whole person offered to someone loved without any hesitation.
personalities that were molded by time wrapped in happiness and sadness
but chosen to be set aside by the person that only this heart knows.
but in spite of the pain that rips the soul that thinks of only one name,
it still holds on to the idea that there is still hope yet.
that the love that’s been well cared for will come back
and heal the wounds where the drops of blood come from
that slowly kills what’s left of its life.

-The Elusive Scribe-

0

Panahon lang ang kailangan ng puso,
kelan ba muling mauuso,
mga salitang kay tamis bigkasin,
bihag mo, ako’y iyong alipin.
Tawag ng puso pilit ikinukubli,
walang patutunguhan kundi mga pangakong nababali,
isulat man ang nararamdaman,
mababasa ba at maiintindihan?
Nasa tuwing pipikit ikaw ang naiisip,
nabubuhay lamang sa isang panaginip,
sa iyong mga kamay ibinigay,
tiwala’t pagmamahal ang inalay.

-The Elusive Scribe 092813-