Hulihin ang Oras

 

Igapos natin ang tumatakbong oras
pigilan ang mga kamay na kumukumpas.
Ihinto ang mga segundong bumubuo ng minuto
para hindi sila magkita ng mga oras na nais lumipas
sa bilin ng mundong patuloy sa pag ikot.
Igapos natin ang oras ng mahigpit
huwang syang palayain ‘pagkat ito’y ating katapusan.
Panatilihin natin ang sandaling ito
na tayo’y magkatabi at masayang magkapiling.
Basahin natin ang isa’t-isa
sa bawat haplos ng mga kamay
sa katawang unti-unting nabubuhay.
Ang mga mata’y patuloy na nangungusap
na angkinin natin ang oras na ito.
Palayain natin ang ikinukubling pag-ibig
na magliyab sa ating mga dibdib
at hayaan syanng lumagos sa ating mga kamay at labi
kung saan tayo maaaring maging isa
habang hawak natin ang nahuli nating oras.

napo2013button1

 

Forgot to post this yesterday. đŸ˜€

-The Elusive Scribe 042813-

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s